Feed on
Posts
comments

Carry 1, Borrow 1

Anim na taong gulang ako noon nang magsimula ang lahat. Nakatira kami sa San Marcos na mas kilala sa tawag na Tikew. Katabi ng bahay namin ay simbahan. Sa kabilang gilid naman ng simbahan ay bahay ng aking mga kamag anak. May isang bakanteng bahay din sa may bandang likod na kamag anak din namin ang nagmamay ari. Walang nakatira sa bahay na iyon na may malawak na bakuran.

Isang araw, habang kasalukuyang naglalaro kami ng piko ng aking pinsan at isa pang kalaro, ay may bigla na lamang tumigil na isang jeepney sa harapan ng bakanteng bahay. Punong puno ito na naglalaman ng maraming gamit na tila sila na ang titira sa bahay na madalas naming paglaruan ng taguan. Napatigil kami sa aming paglalaro at bigla napatitig sa mga taong nagbubuhat ng gamit. Mga dalawang lalaki ang nagbubuhat na tila nasa trenta y singko at deisi sais ang edad, isang babae na parang humigit kumulang sa trenta ang gulang, isang batang babaena siyam na taong gulang at lalaki na nasa anim na taong gulang na tumutulong din paghahakot ng gamit. Hindi na namin naituloy ang aming paglalaro dahil sa panonood sa mga naglilipat-bahay hanggang sa narinig ko na ang sitsit at sipol ng aking mga magulang na hudyat na kailangan ko ng umuwi para kumain ng hapunan.

Minsan habang naglalaro kami ng piko sa harap ng dating bakanteng bahay, ang batang lalaki ay nakatingin sa amin na parang gusto sumali sa amin. Tinanong sya ng pinsan ko kung gusto niyang sumali samin ngunit sya ay umayaw. Hindi raw sya pwedeng maglaro sa kadahilanang wala pa raw ang nanay nya na nasa palengke at walang tatao sa bahay nila kaya hindi pa sya pwedeng lumabas. Sa halip ay nagkwentuhan na lang kami habang sya ay nasa may bintana nila at kami naman ng pinsan ko at isa pang kalaro na babae ay nasa labas ng bahay na nakahilera ng naka-skwat sa nakatumbang kawayan sa may tabihan nila. Bino pala ang pangalan nya at nag-aaral sa San Pablo Central School sa unang baitang. Medyo balingkinitan ang kanyang katawan, tuwid ang mga buhok na parang korteng bao, mapusyaw ang kulay ng balat at sa tingin ko sya na ang pinakamahitsurang batang lalaki sa aming palibutan. Mukhang uhugin kasi ang iba sa kanila. Kami naman ay sa Mababang Paaralan ng San Marcos nag aaral at nasa unang baiting din katulad niya. Nagkakwentuhan kami ng medyo matagal hanggang umabot na sa tuksuhan. “Eh ikaw nga butas pa ang short mo eh! Kita pa ang panty”, sambit nya sa akin sabay tawa. “Hindi kaya… ang yabang nito!” ang sabi ko naman sabay alis at uwi sa bahay. Kunwari ay nagtatampo sa kanya pero ang totoo ay talagang butas ang short ko noon. Ewan ko ba kung bakit halos lahat yata ng short ko noong bata pa ako ay butas ang pundiyo.

Nang sumunod na araw ay naglalaro na naman kami ng mga pinsan ko sa dati paring lugar. Gusto nya sumali pero ayaw ko kasi parang napahiya ako noong unang beses naming nagkausap. Gusto rin sumali ng ate nya. “Hindi ka na pwedeng sumali kasi apat na kami ng ate mo, beh…” sambit ko sa kanya. “Pwede naman kahit lima tayo, tatlo-dalawa” ang tugon naman nya. Hanggang sa pinilit na rin ako ng aking mga kalaro na isali siya upang makapag simula na kami. “Black and white, black and white”. Naging kakampi ko sya. Kaming dalawa. Medyo naiinis ako na kinikilig kasi sya ang naging kakampi ko. Sya ang father at ako naman ang mother. Sa kabilang grupo naman ay meron ding mother, father at baby kahit na puro babae sila. Naging masaya naman ang aming unang paglalaro. Ang unang laro naming iyon ay nasundan pa ng maraming laro.

Minsan kaming dalawa lang ang nagkita sa aming lugar laruan – sa harap ng bahay nila na malapit sa kalsada papuntang liso-liso. Wala ang pinsan ko dahil pinagsasaing sya ng ate nya. Wala rin ang isa naming kapitbahay dahil sya ay kasalukuyang nag-iigib ng tubig sa bahay ng lola nya. Hindi kami makapaglaro ng piko dahil dalawa lang kami. Hindi masaya. Imbis, nagpunta na lang kami sa likod ng bahay nila kung saan ay malapit sa kusina ng pinsan ko na nagsasaing. Nagtanong sya sakin kung nag-aral na raw ba kami ng carry sa aming paaralan. Sabi ko naman, “anong keri? Hindi ko pa alam ‘yun”. Tinuruan nya ako at ang sabi nya. “Eto yun, kunwari 19 plus 3. Ano ang 9 + 3?” “12” ang wika ko. “Yung 2 ay ilalagay mo dito sa ilalim ng guhit tapos yung 1 naman ay ilalagay mo dito (sa taas ng 1). Yung 1 ang iyong carry. Tapos 1 + 1 = 2. So ang sagot ay 22”.

Halos tuwing hapon ay ganito ang usapan namin. Hindi na kami nakakapaglaro ng piko dahil sa iba na ang aming pinagkakaabalahan. Nagkukumparahan kami ng mga inaaral namin sa aming kanya-kanyang paaralan at nagtuturuan kung may pagkakaiba man. Dahil sa ayaw kong isipin nya na mahina ako sa Math, tuwing hapon ay tinatanong ko ang aking ina kung ano pa ang mas mahirap na mga tanong sa addition ang pwede kong matutunan. Sabi ng aking ina na halos parepareho lang ang ginagawa kung addition of 2 digits, 3 digits o kaya 4 digits ang aming gagawin. Sabi ng aking ina, “turuan na lang kita ng iba”.

Kinahapunan ng sumunod na araw, handang handa na ako sa aming kumparahan. “Bino, marunong ka na ba ng borrow 1?” “Hindi pa” tugon nya. “Ahh sige turuan kita”. Ako naman ang nagturo sa kanya kung paano gumagana ang borrow 1. Simula noon ay naging interesado na ako sa Matematika dahil pinipilit kong makipag tagisan ng talino sa kanya. Simula rin noon ay tinutukso na kami ng aming mga kalaro dahil sa aming pagtatagpo tuwing hapon. Dahil sa mga musmos pa kami, na-ilang kami sa isa’t isa at hindi na nagkibuan.

Sa kadahilanan na hindi na kami nakakapag usap, lagi na lang akong nasa terrace namin sa pangalawang palapag ng bahay namin at tinatanaw ko na lang ang pagbaba n’ya ng jeep galing sa eskwela. Sadyang likas na matalino si Bino kaya hinangaan ko sya. Naging 3rd honor pa sya noong graduation sa eskwelahan nila na may humigit kumulang na isang libong estudyante ang nag aaral. Nakapasa sya sa UP Rural na sa tingin ko noon (at kahit hanggang ngayon) ay sadyang matatalino lang ang nakakapag-aral doon. Samantalang ako ay 3rd honor din naman noong graduation namin at sa Laguna College mag aaral ng sekondarya. “Hindi na bale”, ang sabi ko sa sarili ko. “Maaabutan ko rin sya… “. Pinilit kong mag aral ng mabuti para makapag aral ako sa UP Los Banos kung saan sya mag aaral ng pagiging enhenyero. Civil Engineering ang kinuha nya samantalang BS Mathematics naman ako. Talagang naging inspirasyon ko ang mga hapong lagi kaming nagtuturuan.

Nagkaroon kami ng kanya kanyang buhay sa UPLB. Pinipilit kong maipasa ang halos lahat ng asignatura na meron ako kada semestre. Gusto ko patunayanan sa kanya na kaya kong makipagsabayan sa kung ano mang mararating nya. Alam ko kasing magiging matagumpay sya sa kung ano mang trabaho ang makukuha nya dahil sa matalino sya.

Sumali sya sa isang kilalang fraternity samantalang ako ay miyembro naman ng Samahan ng Mag-aaral ng Matematika. Nang nasa huling taon na ako ng aking pag aaral, nagkaroon ng kaguluhan ang grupo nila at isa pa ring sikat na grupo sa UP. Nagkaron ng bugbugan, suntukan, habulan, at tapunan ng pillbox. Dumaan pa nga sa harapan namin ang mga kalalakihang naghahabulan noon. Hindi ko naman alam na kasali pala sya doon. Balita ko ay may namatay pa yatang isa ring kapwa naming estudyante na kasangkot din sa gulo. Dahil sa isa siya sa mga namumuno ng grupo nila, napatalsik s’ya sa aming paaralan. Hindi nya natapos ang kurso nya na Civil Engineering. Hindi sya nakatapos sa UP. Hindi nya natupad ang isa sa mga pangarap nya. Nakapanghihinayang, nakapang lulumo pero iyan ang katotohanan. Hindi na pwedeng makipagsabayan sa kanya dahil para s’yang agila na natamaan ng bato at biglang bumagsak sa lupa.

Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanya pagkatapos ng mga kaganapan na iyon. Lumipat na rin kasi sila ng bahay pagkatapos mamatay ng kanyang butihing ina. Ang kapatid naman nya ay nagpunta na rin ng ibang bansa para makatulong sa kanilang pamilya. Ang huling balita ko sa kanya ay nasa Maynila sya at ipinagpapatuloy ang kaniyang pag aaral. Hindi ko lang din alam kung nakatapos sya.

Sa kasalukuyan naman ay nagtuturo ako ng Mathematics sa isang paaralan dito sa Thailand. Hindi lang basta carry 1, borrow 1 ang tinuturo ko kundi Graph Theory, Discrete Math, Calculus, at kung ano ano pa. Hindi pa rin naman ako ganap na matagumpay sa larangan na napili ko ngunit s’ya ang naging inspirasyon ko kung ano ako ngayon.

Songs of my life

1.    Why Can’t It Be by Rannie Raymundo

Why can’t it be?

Why can’t it be the two of us?

Why can’t we be lovers?

only friends…

You came along at a wrong place..

At a wrong time…

or was it me?

This song reminds me of my high school crush. Gusto ko talaga sya dati pero friends lang talaga kami.  Di ko rin alam feelings nya sakin. Ewan ko pero one time sa Math class namin kay Sir Ciar, binasa pa ng teacher namin ang sulat nya sakin in front of our classmates. Yihee! *Kilig* “Sabay tayo kakain, sabay tayo papasok sa school, sabay din tayo maliligo ha?!” He was supposed to be my first dance in our prom when we were in 3rd year pero nahiya ako makipagsayaw sa kanya. Haaayy… Those were the days. After graduation, he already went to the US.

2.    Awit Para Sayo by Jamie Rivera

Kaibigan lang naman ang nais ko sayo

Wag magalit kung ayaw at aalis ako.

Kung tinatanggap naman ay salamat sayo.

Pakinggan mo na itong awit ko

Hinahandog para sa iyo

When I was in 4th year HS, there was this guy who was very aloof with me. I only wanted him to be my friend just like his relationship with my other female friends. Gusto ko lang kung gaano sila kaclose ng mga kaibigan ko eh ganon din kami kaso aloof talaga sya. Akala kasi nya I want more than friendship pero mali sya.

3.    Somewhere Down the Road by Barry Manilow

We had the right love
At the wrong time
Guess I always knew inside
I wouldn’t have you for a long time

Those dreams of yours
Are shining on distant shores
And if they’re calling you away
I have no right to make you stay

In 1994, we had our first telephone. Since I was still excited to use it, I talked to my male classmate every night. Alam namin na gusto namin ang isa’t isa pero alam din namin  na darating ang time na maghihiwalay din kami. After a few months, I was singing this song with full of tears… “Letting go is just another way to say I always love you so…”

4.    So Many Questions by Side A

Have you seen him?
Did you see him pass this way?
What is it about him?
What makes me feel this way?
Is it his eyes? Maybe
But I’m not so sure
Is it his laughter?
Something I’ve never heard before

When I was in 2nd year college, I had a crush with this guy who was still in high school(3rd year I think). Para s’yang anghel galing sa langit… ang cute nya talaga…. Gusto ko nga lagi may overnight activity ang org para pag uuwi ako ng madaling araw at bababa ako ng jeep eh sya ang unang makikita ko. Bakit? Naghihintay kasi sya ng jeep papasok sa school nya.

5.    Kung Ako Na Lang Sana by Bituin Escalante

Heto ka na naman kumakatok saking pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto naman ako nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan

‘yung guy sa song number 4? We became friends… nagka girlfriend sya… minsan nagkukwento sya tungkol sa gf nya… pag minsan nag aaway sila… ako naman.. nakikinig lang.. nalulungkot para sa kanya… nag wiwish kung ako na lang sana…

6.    I Don’t Wanna Be Your Friend by Nina

Don’t call me in the middle of the night no more
Don’t expect me to be there
Don’t think that it will be the way it was before
Don’t think that I care
I’m not over you yet
And I don’t want to be your friend

Guy number 4 pa rin… It came to a point na ayaw ko na. I was already tired of listening… Pag tatawag sya ng mga 10pm or 11pm para itanong kung okay lang napupunta sya sa house namin.. minsan nagdedecline na lang ako. Nagawa ng excuses. Wala rin namang mangyayari. Magkakasundo rin sila ng gf nya later on. Nalulungkot lang ako sa kwento nya.

7.    Maybe by Neocolors

Maybe it’s wrong to say please love me too
‘Cause I know you’ll never do
Somebody else is waiting there
Inside for you
Maybe it’s wrong to love you more each day
‘Cause I know she’s here to stay
But I know to whom you should belong

It was my first day of work in Bureau of Agricultural Statistics in Quezon City. One of the statisticians there was looking at me. Paano ba naman I have this henna tattoo on my right hand. Alam nyo naman in any government offices, most of the workers are “manang”. Nacurious sya. Nagtanong tanong… he tried different ways to get my number. Di nya alam na meron na rin akong number nya. Nagtetext sya sakin every night… tumatawag… nagdedate kami sa SM City North Edsa… Nanood ng sine… Kumain sa Mcdo at foodcourt… nagpapicture sa Kodak as if we’re “IT”… naging mag-MU. PERO… may girlfriend pala sya. Taga 10th floor, ako nasa 9th floor, sya nasa 4th floor. Yung gf nya… from Laguna rin.. sa Sta. Cruz, ako sa San Pablo.. Ang gf nya… graduate ng UPLB din… Agri… ako, BS Math. Sa food court ng SM City North, nagbigay ako ng letter.. sabi ko “AYOKO NA”. He almost cried.

8.    It’s Sad to Belong by England Dan and John Ford Coley

Oh, it’s sad to belong to someone else,
When the right one comes along.
Yes, it’s sad to belong to someone else,
When the right one comes along.

Actually, when I was singing this song before, I was changing sad to sat. Do you know why? That’s the name of the guy in song #7. Sabi nya pagkabasa sa letter kung gusto ko daw ba papiliin sya between me and his gf. Sabi ko hindi nya kelangan gawin yun. Ako na lang ang lalayo. Gusto ko na rin umuwi ng Laguna. Ayaw ko na rin tumira sa Quezon City. Nasasaktan lang ako. One time, tumawag sya sa bahay… nasa San Pablo daw sya… pero hindi ako nakipagkita… “AYOKO NA”

9.    Everytime by Janet Jackson

I’m afraid I’m starting to feel
What I said I would not do
The last time really hurt me

I’m scared to fall in love
Afraid to love so fast
‘Cause everytime I fall in love
It seems to never last

In 1997, I started chatting in the internet… mIrc #uplb dalnet… there was a bot in our chatroom. You only have to type !seen (nick of the chatter) in order to see the status of a certain chatter - the time he/she logged in or out in the chatroom, the chatrooms he or she joined, and most especially his/her quit message. Minsan ginamit ko ang lyrics ng song na ito as my quit message. Nagkaron ako ng boyfriend na chatter… I fell in love so fast… pero anong nangyari? /me sings “it seems to never last” /quit
10.    The Last Time I felt Like This by Johnny Mathis

Hello, I don’t even know your name, but I’m hopin’ all the same
This is more than just a simple hello.
Hello, do I smile and look away? No, I think I’ll smile and stay
To see where this might go.

‘Cause the last time I felt like this, I was falling in love,
Falling and feeling, I’d never fall in love again.
Yes, the last time I felt like this, was long before I knew
What I’m feeling now with you.

Another chatter from the same channel sang this song in Karaoke King. Perhaps, it was our 4th date(of courting stage). Sabi pa nya para sakin daw ang kantang ‘yun at talagang nakaharap pa sya sakin ng kinakanta nya yun sa loob ng maliit at masikip na booth ng Karaoke king. I really closed my eyes and I tried to understand the message of the song. Cloud 9 ang feeling everytime I am with him. After almost a month, naging kami.

11. Officially Missing You by Tamia

Ooh.. can’t nobody do it like you

Said every little thing you do

Hey baby say, stays on my mind

And I, I’m officially missing you…

When I went to the UK, I was always singing this song. Miss ko yung guy sa song # 10 up to the nth level.

12. Strawberry Shortcake Cupcake Song


You’re my Honeybunch, Sugarplum, Pumpy-umpy-umpkin
You’re my Sweetie Pie
You’re my Cuppycake
Gumdrop, Snoogums-Boogums
You’re the Apple of my Eye
And I love you so and I want you to know
That I’ll always be right here
And I love to sing sweet songs to you
Because you are so dear

My message alert tone when I was in London. Naiiyak ako pag naririnig ko ‘yung tone na yun kasi ibig sabihin may text message si guy sa song #10.
13.    Four Seasons of Loneliness by Boyz II Men

This loneliness
Has crushed my heart
Please let me love again
‘Cause I need your love to comfort me and ease my pain
Or four seasons will bring the loneliness again

Sobrang lamig sa Lancashire noon… sobrang lungkot… wala akong ginagawa maghapon kundi mag internet… Nagrereminisce lang din ako ng mga dati kong ginagawa sa Pinas… Pag summer.. pag pasko… Pag naulan..

14.    Nightbird by Kalapana

Fly on through the night wind take a star to him for me
Please whisper I love him make him wait for me
Here it seems so cold now how I wish his arms around me
Soar nightbird of love tell him wait for me

Aside from the song The Last Time I Felt Like This, the guy in song # 10 sang Nightbird to me too. But when I was still in the UK, I was singing this song for him.

15. Sunlight by Kevyn Lettau

I think about the morning
and it warms by heart
because tonight I’m going back
to the one I love
and by tomorrow with the dawn
I’ll be there and he’ll be beside me

I look at the stars and I pray for morning
counting the hours till morning
thinking about his smile, his sweet smile

I’m standing on the promise of a brand new day
I couldn’t face another night
staying all alone
I know he needs me just as much as I need him
So baby I’m coming home


And when I hold him
I won’t let him let me go, no, no, no
no more running far and wide
I’m gonna stay right by his side
he’s my laughter, my lover, my life
he’s my sunlight
oh, sunlight, oh, sunlight
show me the way

I went back to the Philippines. Sa airplane palang naiisip ko na kung ano ba ang gagawin namin pag nagkita kami ulit. Would it be like the movie i’ve seen? Maghahug ng mahigpit dahil sa sobrang miss sa isa’t isa… But when I was at the waiting area at the airport.. di ko sya nakita.. wala sya.. Umalis na ang van na sumundo sakin pero wala pa rin sya. Tumigil ang van sa gas station malapit sa airport.. andun sya may dalang lychees.. favorite ko daw kasi yun.. gusto nya yun ang unang makakain ko pagbaba ko ng eroplano. Alam nya kasi mahilig akong kumain… Kahit na medyo nadisappoint ako ng konti.. napatawa na lang ako sa nangyari… nasurprise pa rin ako… at sabi ko sa sarili ko… he is still my laughter, my lover, my life… he is my sunlight

16. So it’s you by Raymond Lauchengco

So it’s you I’ve been waiting for so long,
So it’s you, where were you all along?
Very special moments, these will always be with me,

We are here, you and I, we belong

Kuya jake sang this song during our wedding. I married the guy in song # 10. He is Nonoy. =)

Who calls me?

Who calls me Jempot?

* old neighbor

Who calls me Jemima?

* former colleague

Who calls me Jemgurl?

* mIrc #taguan chatters

Who calls me Jem?

* close friends and relatives

Who calls me Jen?

* UPLB –> Batch 95 –> BS Math –> Block 32

Who calls me Jenny?

* my high school classmates

Who calls me Jennifer?

*Thai Nationals in Sunflower or my immediate family members when they are angry

Who calls me Jin?

*my mother-in-law

Who calls me Jame?

*our housemaid

Who calls me in the middle of the night?

* I don’t know.

         

          Nagtataka ako kung paano at saan nagsimula lahat ng sari-saring paraan ng pagsusulat ng mga taga iba’t ibang bansa. Dito kasi sa paaralan na aming pinagtuturuan, 3 ang ginagamit na salita at paraan ng pagsulat; “English alphabet”, “Thai characters” at “Chinese characters”. San kaya nagmula ang mga yun? Bakit tayong mag Filipino ay nakabase lang din sa “English alphabet” ang salita. Bakit kaya wala tayong sariling alpabeto.

          Naalala ko nung nasa sekondarya palang ako ay tinuruan kami ng unang alpabetong Filipino. Ginagamit pa namin ito pag may sikreto kaming sasabihin sa aming mga kaklase o may sikretong mga salita kami na isusulat sa aming kwaderno patungkol sa aming nagugustuhan na lalaki noon.

          Nakakatuwang isipin na meron din nga pala tayong sariling paraan ng pagsulat. Nakakalungkot nga lang dahil parang konti na lang ang nakakaalam nito. Kung hindi pa nga siguro ako napunta dito sa lugar ng mga dayuhan ay hindi ko pa siguro magagawang alalahanin at isaliksik ang alibata na kasingkahulugan din ng baybayin.

          Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay itinuturo pa rin ang alibata sa asignaturang Filipino diyan sa ating bansa. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko upang sa ganon ay maalala ng ating mga kababayan na tayong mga Filipino ay may sarili ring paraan ng pagsusulat na dapat nating alalahanin at matutunan. Siguro sa paraan ito ay may maimpluwensyahan ako na mag aral ulit ng ating unang alpabeto.

I do not just count, I analyze

I do not just use formulas, I prove theorems

I am not just anybody, I am a mathematician

I am not just a mathematician…

I belong to the Society of Math Majors…

wala lang… nagrereminisce lang po… miss ko na pala mga batchmates ko at mga orgmates… haayyy… kita kita na lang sa 18th Anniv sa August…

Nightbird by Kalapana

fly on through the night wind take a star to him for me
please wisper i love him make him wait for me
here it seems so cold now how i wish his arms around me
soar nightbird of love tell him wait for me

cause you have wings you know i let you go
almost every night
but loneliness can dull the shine
of even the bright moon light

night bird fly on, fly on
night bird, sing him my song

oh before you leave take this band of gold with you
and if you can find him tell him i am true

cause you have wings you know i let you go
almost every night
but lonliness can dull the shine
of even the bright moon light

night bird fly on, fly on
night bird sing him my song

Nalulungkot ako… akala ko magiging masaya na ako pag natupad na yung wish ko pero hindi pala… ewan ko pero parang mas nangingibabaw ang lungkot kesa sa saya… nalulungkot talaga ako… hindi ko alam ang gagawin ko… nalilito ako… nahihirapan magdesisyon… akala ko okay na ang lahat pag nakuha ko yun… akala ko magiging masaya ang lahat pero bakit parang hindi ako masaya, hindi ako excited… ewan ko kung bakit pero kelangan ko ng mag paalam sa lahat… iiwan ko na kayo… mga estudyante ko sa SHSI, mga co-teachers ko, mga kaibigan ko, mga kamag-anak ko, mga kapatid ko, mga pamangkin ko, at lalo sa lahat ang mahal ko - si Nonoy… nalulungkot ako! mamimiss ko silang lahat… haaayyy…. NALULUNGKOT TALAGA AKO!!!!!!!!!! MAMIMISS KO SI NONOY!!!!!!!!!!! WWWWWWWWAAAAHHHHHHHHH

ITLOG

“ Nonoy, sige na… sabihin mo na sa mama mo… gusto ko talaga… kahit sampu lang…” Iyan ang nasambit ko nung minsan na andun kami sa kanilang farm. Gusto ko talagang mag alaga ng manok…

Isang araw ay dumating sa buhay ko ang mga itlog ng manok. Dalawampu’t pito ito. Natuwa ako sa una ngunit may halong kaba. Balita ko kasi eh galing sa ibang breed ng manok ang mga itlog na ito. Talagang natakot ako dahil sa hindi pa ako eksperiyensado para mag-alaga ng ganon na uri ng itlog. Sabi ng eksperto, dahil sa wala ang inahin ng manok ay kelangan tutukan ng bombilya ang mga ito ng sa ganon ay makakuha rin sila ng tamang init na gaya ng sa kanilang inahin. Ngunit minsan ay hindi maiiwasan na mawalan ng init na nanggagaling sa ilaw dahil siguro sa nawalan ng kuryente. 

Dumating ang mga araw at isa isa ng lumalabas ang aking mga sisiw. May iba na mabilis ang paglabas at may iba din naman na natagalan. Maswerte at masaya talaga pag lumabas na ang mga sisiw. Ang ibig kasing sabihin nun ay naging successful ang paglilimlim sa kanila… Talaga naman na sila ay nakakatuwa… ang kukyut… gustong umalis sa kanilang hawla… gustong kumawala pero syempre kelangan nandun lang sila sa lugar kung san sila bagay. Ito ay marahil para sila ay maalagaan ng mabuti, mapalaki, mapataba, ihanda ng mabuti para sa mamimili at ng maibenta ng tama sa presyo, tama sa timbang.

At eto na ang panahon na kelangan ko na sila ibenta dahil alam ko na tamang tama na sila sa timbang at sukat… Parang aking mga estudyante… Sila ang aking mga itlog at ako ang ilaw na gumagabay sa kanila habang wala ang kanilang inahin na manok. Ako ang ilaw na kelangan tumapat sa kanila para sila ay maging sisiw, alagaan, palakihin, patabain ang pag iisip, at ihanda para sa susunod na antas.

Masakit sa loob ko na matapos ko silang palakihin ay bigla na lang silang mawawala pero ganon talaga ang buhay ng manok. Talagang aalagaan para ibenta… palalakihin at patatabain para ibenta… Parang estudyante…. Aalagaan, tuturuan, para ibigay sa iba na hahamon sa kanilang kakayanan… Nakakalungkot pero iyan ang katotohanan.

Mahal ko ang mga itlog ko na naging manok. May isa man na nabugok sa dalawampu’t pito kong itlog, makakaasa ang itlog na yun… kung san man sya naroroon… na may puwang pa rin sya dito sa puso ko. At ang tanging dasal ko lang sa Poong Maykapal na sana’y masiyahan ang mga taong bibili sa mga manok ko na dating mga itlog…

Don’t wanna see your face
I don’t wanna hear your name
I don’t wanna thing
Just stay away baby
Don’t wanna know if you’re alright
Or what you’re doin’ with your life
Don’t wanna hear that you’ll stay in touch maybe

I’ll get just fine
So if you’re goin’ then darlin’ goodbye, goodbye

Don’t call me in the middle of the night no more
Don’t expect me to be there
Don’t think that it will be the way it was before
Don’t think that I care
I’m not over you yet
And I don’t want to be your friend

I’ll forget we ever met
I’ll forget I ever let
Ever let you into this heart of mine baby
You just gotta let me be
You gotta keep away from me
’cause all I want is just to be free from you baby
Don’t you come around
And say you still care about me
Just go now, go now

Don’t call me in the middle of the night…

You take it casually, and baby it’s killing me
I’ll get by just fine
So if you’re goin’ then darlin’ goodbye, goodbye

Don’t call me in the middle of the night no more
Don’t expect me to be there
Don’t think that it will be the way it was before
No, no baby
Don’t call me in the middle of the night no more
I’m not over you yet, I don’t want to be your friend
Don’t call me, don’t come around
Don’t want to be your friend…

Sikat ka ba?

Kasi sikat si Charisse Rose La Torre Concha

Top 6

2006 Pharmacy Board Exam!!!

Syempre… Like tita, like niece…

lahing La Torre… lahing Sikat… =)

Older Posts »