“ Nonoy, sige na… sabihin mo na sa mama mo… gusto ko talaga… kahit sampu lang…” Iyan ang nasambit ko nung minsan na andun kami sa kanilang farm. Gusto ko talagang mag alaga ng manok…
Isang araw ay dumating sa buhay ko ang mga itlog ng manok. Dalawampu’t pito ito. Natuwa ako sa una ngunit may halong kaba. Balita ko kasi eh galing sa ibang breed ng manok ang mga itlog na ito. Talagang natakot ako dahil sa hindi pa ako eksperiyensado para mag-alaga ng ganon na uri ng itlog. Sabi ng eksperto, dahil sa wala ang inahin ng manok ay kelangan tutukan ng bombilya ang mga ito ng sa ganon ay makakuha rin sila ng tamang init na gaya ng sa kanilang inahin. Ngunit minsan ay hindi maiiwasan na mawalan ng init na nanggagaling sa ilaw dahil siguro sa nawalan ng kuryente.
Dumating ang mga araw at isa isa ng lumalabas ang aking mga sisiw. May iba na mabilis ang paglabas at may iba din naman na natagalan. Maswerte at masaya talaga pag lumabas na ang mga sisiw. Ang ibig kasing sabihin nun ay naging successful ang paglilimlim sa kanila… Talaga naman na sila ay nakakatuwa… ang kukyut… gustong umalis sa kanilang hawla… gustong kumawala pero syempre kelangan nandun lang sila sa lugar kung san sila bagay. Ito ay marahil para sila ay maalagaan ng mabuti, mapalaki, mapataba, ihanda ng mabuti para sa mamimili at ng maibenta ng tama sa presyo, tama sa timbang.
At eto na ang panahon na kelangan ko na sila ibenta dahil alam ko na tamang tama na sila sa timbang at sukat… Parang aking mga estudyante… Sila ang aking mga itlog at ako ang ilaw na gumagabay sa kanila habang wala ang kanilang inahin na manok. Ako ang ilaw na kelangan tumapat sa kanila para sila ay maging sisiw, alagaan, palakihin, patabain ang pag iisip, at ihanda para sa susunod na antas.
Masakit sa loob ko na matapos ko silang palakihin ay bigla na lang silang mawawala pero ganon talaga ang buhay ng manok. Talagang aalagaan para ibenta… palalakihin at patatabain para ibenta… Parang estudyante…. Aalagaan, tuturuan, para ibigay sa iba na hahamon sa kanilang kakayanan… Nakakalungkot pero iyan ang katotohanan.
Mahal ko ang mga itlog ko na naging manok. May isa man na nabugok sa dalawampu’t pito kong itlog, makakaasa ang itlog na yun… kung san man sya naroroon… na may puwang pa rin sya dito sa puso ko. At ang tanging dasal ko lang sa Poong Maykapal na sana’y masiyahan ang mga taong bibili sa mga manok ko na dating mga itlog…
hi mam jem.. thanks po sa lahat. ilovepo. tc lagi.. god bless.
-kiara-
ahh… ma’am jem nakakaiyak nman po itong blog nyo… Naalala q po tuloy yung sagot q sa number three sa 4th Quarterly test sa math…jwkz.. Ma’am ndi po talaga namin makakalimutan ung mga ilaw/pangngaral/guides/advises nyo sa aming mga dating itlog na naging manok na…
Ma’am mamimiss namin kayo… Alam naman po naman namin na hindi ninyo rin kami makakalimutan…
tama ka kahit may bugok itlog pa rin yun. sana kasing haba ng pasensya mo ang pasensya ko……… kaso hindi….
hehehe. thanks for the inspiration
beng