Alibata: Ang Unang Alpabetong Pilipino
September 13, 2008 by jemgurl
Nagtataka ako kung paano at saan nagsimula lahat ng sari-saring paraan ng pagsusulat ng mga taga iba’t ibang bansa. Dito kasi sa paaralan na aming pinagtuturuan, 3 ang ginagamit na salita at paraan ng pagsulat; “English alphabet”, “Thai characters” at “Chinese characters”. San kaya nagmula ang mga yun? Bakit tayong mag Filipino ay nakabase lang din sa “English alphabet” ang salita. Bakit kaya wala tayong sariling alpabeto.
Naalala ko nung nasa sekondarya palang ako ay tinuruan kami ng unang alpabetong Filipino. Ginagamit pa namin ito pag may sikreto kaming sasabihin sa aming mga kaklase o may sikretong mga salita kami na isusulat sa aming kwaderno patungkol sa aming nagugustuhan na lalaki noon.
Nakakatuwang isipin na meron din nga pala tayong sariling paraan ng pagsulat. Nakakalungkot nga lang dahil parang konti na lang ang nakakaalam nito. Kung hindi pa nga siguro ako napunta dito sa lugar ng mga dayuhan ay hindi ko pa siguro magagawang alalahanin at isaliksik ang alibata na kasingkahulugan din ng baybayin.
Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay itinuturo pa rin ang alibata sa asignaturang Filipino diyan sa ating bansa. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko upang sa ganon ay maalala ng ating mga kababayan na tayong mga Filipino ay may sarili ring paraan ng pagsusulat na dapat nating alalahanin at matutunan. Siguro sa paraan ito ay may maimpluwensyahan ako na mag aral ulit ng ating unang alpabeto.
magaling ka hanga ako sayo