October 11, 2005 by jemgurl
Let me sing you a song
Let me stand to prove I’m strong
I’ve been waiting for this time
To show the world I’ll shine
And when – you are not around
I feel I’ve lost my crown
So tell me you’ll always stay
You make me feel like a star
I’m so glad to reach this far
You make me feel like a star
I don’t need to have a TV show
Movie or in radio
If you are here
You make me feel like a star
You make me feel like a star
I don’t need to have a TV show
Movie or in radio
If you are here
You make me feel like a star
I don’t need to have a TV show
Movie or in radio
If you are here
You make me feel like a star
If you are here
You make me feel like a star…
Posted in Uncategorized | No Comments »
September 25, 2005 by jemgurl
“Sisikat ako… Magkakaconcert din ako… Makikita nyo… “ Yan ang madalas kong sabihin pagkatapos kong kumanta sa Ricky’s Videoke Bar (Around 100 meters away from our house… Lasingan ng mga taga Liso-Liso… taga Maabo… taga Imok… taga Tikew… taga Bue… in short… Lasingan ng mga taga bundok… hehe…).
Doon nag simula ang lahat… Sa cheapipay na Videoke Bar… Kung hindi nagtayo yung si Ricky Boy… di ulit babalik ang interest ko sa singing… Ang sabi kasi ng kuya ko, nasal voice ang ginagamit ko pag nakanta ako kaya ang panget… Kaya ayun! Laging asar talo pag may okasyon sa bahay at pag ako na ang kumakanta…
Bakit nga ba ako pinagkaitan ng magandang boses? eh di sana nagustuhan din ako nun lalaking type ko nung medyo bata bata pa ako… Sana naging kami… Sana nakasali ako sa glee club sa school… Sana kasama rin ako sa class presentation namin sa flag ceremony.. Sana hindi kaagad ako naeliminate sa audition para sa singing contest… Sana ako ang kumanta dun sa play namin at hindi ako nag lip synch… Sana may guts akong pumunta sa stage sa bar pag tinatawag ako ng mga singers para kumanta… Sana andun ako sa stage ng Klownz at hindi yung babae na mataba… Sana hindi rin ako naghihintay ng may panget ang boses na kakanta sa sa mga kilalang videoke bar para lang makakanta din ako… Sana… sana… sana… puro na lang sana… Kailangan ko yata ang tulong ng brilyante ng tubig(Sangre Alena… help!!!) para mabigyan ako ng magandang boses ngunit hindi pa rin yata ito sapat para matugunan ang aking katanungan…
Haayyy… Ewan ko ba… parang obsessed yata talaga akong kumanta… eto at nag enroll pa talaga ako sa kilalang eskwelahan kung san nag aaral ang mga gustong maging sikat na singer o artista… Kanta dito, kanta doon, practice dito, practice doon… cge lang… kanta lang ng kanta para maperfect ang kantang nakatoka para sa practicum… kelangan galingan… kelangan magka-award dahil mapapahiya ako sa mga kapatid ko, pamangkin ko at mga pinsan ko na manonood…
September 3, 2005, Padi’s Point Calamba… at exactly 1 pm… mag start na raw ang show.. nanginginig… nanlalamig… sumasakit ang tyan.. sumasakit ang ulo.. nanunuyo ang lalamunan.. sari saring pakiramdam… pang 5 akong kakanta… sa stage… sa bar… sa harap ng maraming tao…
“’Buhay na kay ganda, pangarap ko na makamtan ko na…” ayan na.. ako na ang kakanta… tapos na si Karen. “The next practicumer will sing Get Here by Brenda Russel, and Together Again by Janet Jackson, let’s all welcome… Ms. Jem La Torre… “ huh? ako na yun!!! poised dapat pagpunta ng stage, kelangan isipin ang stage deportment, stage discipline, mechanics in singing, spiels at kung ano ano pa… take a deep breath… and start… “ You can reach me by railway… you can reach me by trailway…. you can reach me on an airplane, you can reach me with your mind…“ Natapos ang unang kanta ko ng maluwalhati… salamat sa Diyos… eto at spiels naman… Nagkakanda-nginig nginig pa ang boses ko na tipong nakalimutan ko pa ang mga sasabihin ko… pero kelangan ng magsimula sa 2nd song ko para hindi halata na hindi ko na matandaan mga sasabihin ko… “There are times when I look above and beyond, there are times when I feel your love around me baby, I´ll never forget my baby” Ewww.. pipiyok yata ako… pero daanin ko na lang sa sayaw para naman hindi nila mapansin ang boses ko.. pero awww… nalalaglag pa ang damit ko.. makikitaan ako pero cge lang… performance level dapat… kaya naman ng awarding na… Best in Body Rhythm ang award ko… haayy.. ibig sabihin ba nun eh sumayaw na lang ako at wag na kumanta? hehe.. Hindi naman siguro…
Natapos ang practicum ng masaya… ang sarap ng feeling… marami mang bloopers pero okay lang… babawi na lang ako next time… Hindi man nakarating ang mga pinsan ko sa practicum ko, sisiguraduhin ko na manonood na sila sa recital ko two weeks from now… at sasabihin ko sa kanila… “ETO NA… Sisikat na ako… Magkakaconcert na din ako… at makikita nyo I will become a STAR“. =)
Posted in Uncategorized | 2 Comments »